Tumaas nang mahigit P2 kada kilo ang presyo ng bigas kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, nasa P50 kada bag ang itinaas sa presyo ng bigas noong unang bugso ng serye ng oil price hikes dahil sa gastos sa transportasyon.
Aniya, dati mabibili ng P38 kada kilo ang bigas pero ngayon ay nasa P40 na ito.
Maliban dito, nakaapekto rin aniya sa presyo ang talamak na smuggling ng mga produktong agrikultura maging ang importasyon ng bigas.
Nauna nang tumaas ng P3 hanggang P4 ang presyo ng petrolyo nitong Martes matapos hindi umusad ang peace talks sa pagitan ng Ukraine at Russia at ang unti-unting pagluwag ng lockdown sa China.
Facebook Comments