Presyo ng bigas, tumaas ng dalawang piso – DA

Tumaas ng dalawang piso ang presyo ng kada kilo ng bigas sa mga pamilihan.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista kasunod ng pagdami ng well-milled o magagandang klase ng bigas sa merkado.

Bukod dito, nakaapekto rin aniya sa presyuhan ng bigas ang madalas na pag-ulan kaya nahihirapang magpatuyo ng palay ang mga magsasaka.


Samantala, sinisilip na ng ahensya ang posibilidad na may mga trader na nag-hoard upang manipulahin ang supply ng bigas.

Sa huling datos ng DA, nasa 9.4 metric tons ang supply ng bigas ngayong Hunyo bukod pa sa buffer stock na sapat sa loob ng animnapu’t apat na araw.

Facebook Comments