Manila, Philippines – Binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) na walang dahilan para tumaas ang presyo ng bigas sa pamilihan.
Ito ang naging pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol kasunod ng napaulat na may nagaganap na pagtaas sa halaga ng bigas sa bansa.
Ayon kay Piñol, self-sufficient naman ang bansa at walang kakapusan sa suplay ng bigas kung saan iginiit niya na dapat ding malinawan ang ulat na kontrolado ng rice cartel ang usapin sa rice industry.
Samantala, nilinaw naman ng National Food Authority (NFA) na wala namang nagaganap na pagtaas sa halaga ng NFA rice dahil nananatiling P27.00 ang presyo ng regular milled rice at P35.00 naman ang well-milled rice.
Facebook Comments