PRESYO NG BILIHIN | DTI maglalabas ng SRP para sa Noche Buena items

94

Manila, Philippines – Ngayong pumasok na ang ber months.

Ilalabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Suggested Retail Price (SRP) para sa Noche Buena items sa susunod na buwan.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo ito ang magiging gabay ng ating mga kababayan sa pagbili ng mga Noche buena goods.

Paliwanag pa ni Castelo magkaiba ang Noche Buena SRP kumpara sa regular na SRP ng basic goods & prime commodities.

Sa ngayon, inaaral pa ng DTI ang ilalabas nilang SRP pero kung magkakaroon aniya ng paggalaw sa presyo mula sa nakalipas na taon na SRP ng mga Noche Buena items ay nasa 3 hanggang 8 porsyento lamang.

Facebook Comments