PRESYO NG BILIHIN | Expanded SRP sa mga pangunahing bilihin, ipinatutupad ng DTI

Manila, Philippines – Magiging epektibo sa Miyerkules, August 1 ang pinalawak na Suggested Retail Price (SRP) sa mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, sakop ng expanded SRP ang Prime Commodities at Basic Necessities (PCBN) kabilang ang premium brands.

Aniya, makakatulong ito para mabigyan pa ng choices ang consumers sa pagpili ng premium at budget brand.


Kabilang sa mga premiuem brands ay sardinas, meat loaf, evaporated at condensed milk, at kape.

Nilinaw din ng DTI na ang pagpapatupad ng SRP ay hindi nangangahulugang kinokontrol na ng gobyerno ang presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments