Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapatupad ng price setting para sa bigas at asukal.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpayag ng pag-aangkat ng bigas na maibebenta sa 38 pesos kada liko at asukal na nasa 50 kada kilo.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez – ang pagtatakda ng ‘price setting’ ay layong matiyak ang murang halaga ng bigas at asukal sa merkado.
Dagdag pa ni Lopez – plano ng gobyerno na mag-angkat ng 350,000 metric tons ng bigas bilang dagdag na supply.
Bukod pa ito sa 750,000 metric tons na inaprubahan ng National Food Authority (NFA) Council.
Nasa 150,000 metric tons ng asukal naman ang aangkatin na una nang inaprubahan.
Kapag nangyari ito, ito ang ikalawang pagkakataon na mag-aangkat ang Pilipinas ng asukal ngayong taon at ito rin unang pagkakataon sa bansa na mag-angkat sa pagsisimula ng sugar crop year, mula Setyembre hanggang Agosto ng susunod na taon.