Manila, Philippines – Nakasisiguro si Senator Antonio Trillanes IV, na papasanin ng mga mahihirap ang panibagong buwis na ipapatupad simula January 2018.
Pahayag ito ni Trillanes, makaraang maratipikahan na ng dalawang kapulungan ng kongreso ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Sa nabanggit na tax reform bill ay pinatawan ng dagdag na buwis ang produktong petrolyo, matatamis na inumin, mga sasakyan, documentary stamps, coal at minerals, gayundin ang tobacco products.
Ayon kay Trillanes, dahil sa nabanggit na mga bagong buwis ay tataas ang mga presyo ng bilihin, pamasahe, LPG at kuryente.
Patunay aniya ito na sa ilalim ng Duterte administrasyon, kapag mahirap ka, ay patay ka sa tokhang o kaya naman ay papatayin ka sa hirap ng buhay.