Presyo ng bilog na prutas sa Baclaran, tumaas

Ngayong 4 na araw na lamang at 2019 na.

Nagsimula nang magsitaasan ang presyo ng mga prutas na bilog.

Narito ang presyo ng mga prutas na bilog.


Pakwan P300/Piraso
Orange P25/Piraso
Kiat Kiat P70/Pack
Grapes P200/Kilo
Dalanghita P40/Kilo
Suha P50/Piraso
Melon P30/Piraso
Mansanas P25/Piraso
Green Apple P30/Piraso
Peras P25/Piraso
Pinya P35/Piraso
Papaya P50/Kilo
Chesa P140/Kilo
Chico P120/Kilo
Mangga P150/Kilo
Castañas P90 One Fourth
Guyabano P100/Kilo

Ayon sa mga tindero at tindera habang papalapit ang bisperas ng Bagong Taon ay posible pang magtaas nang hanggang sa P5 ang presyo ng mga bilog na prutas.

Nakaugalian na kasi ng maraming Pinoy ang pagbili at paghahain ng mga bilog na prutas sa pagsalubong ng Bagong Taon dahil pinaniniwalaang suwerte ang mga ito.

Facebook Comments