12 araw bago magpasko, nagmahal na ang presyo ng ilan pang noche buena items sa mga pamilihang bayan sa Quezon City.
Sa Kamuning Market, tumaas ang halaga ng buko na pangunahing sangkap sa paggawa ng buko salad.
Mula sa dating 27 pesos kada piraso, mabibili na ito ngayon sa 35 pesos.
Ayon sa ilang tindera ng Kamuning Market, kakaunti ang suplay na dumarating mula Southern Luzon gaya ng Batangas at Quezon dahil sa nakaraang bagyo.
Marami umanong mga puno ng niyog ang natumba at naglaglagan na mga bunga noong bagyong Tisoy.
Bukod dito, mataas din daw ang demand ng buko sa ganitong mga panahon kung kaya’t tumataas ang presyo nito sa pamilihan.
Facebook Comments