Ayon kay Jocelyn Rumbaua, isa sa mga may-ari ng flower shop sa lungsod, dumoble ang presyo ng mga bulaklak ngayon kumpara noong mga nakaraang Undas.
Isa aniya sa maaaring dahilan ay ang pagtaas rin umano ng demand ng mga bulaklak sa merkado.
Bukod dito ay ang pagkasira ng ilang taniman ng bulaklak dahil sa mga nagdaang bagyo.
Gayunpaman, pinanatili parin umano niya ang presyo ng kanilang mga ibinebentang bulaklak na nagkakahalaga lamang mula P150 hanggang P2,000 dipende sa uri at laki ng bulaklak na inaangkat pa mula sa Baguio City.
Pwede rin naman aniya ang tingi-tinging bulaklak na nagkakahalaga lamang ng nasa P50 kada piraso.
Dahil naman sa pagluwag ng restrictions sa mga sementeryo ay inaasahan ni Ginang Rumbaoa na kikita ito ng mas mataas kumpara sa bentahan nito sa mga nakalipas na taon.
Samantala, inaasahan pa umano ng ilang may ari ng flower shop sa lungsod na hanggang ngayong araw, November 2 ay dadagsa pa rin ang mga bibili ng bulaklak.