PRESYO NG BULAKLAK SA DAGUPAN CITY INAASAHANG MAGTATAAS SA SUSUNOD NA LINGGO

Inaasahang magtataas ang presyo ng bulaklak sa Dagupan City habang papalapit ang Valentine’s Day.
Ayon sa ilang negosyante ng bulaklak sa lungsod, sa unang linggo ng Pebrero makikitaan na ang paggalaw sa presyo ng kanilang ibinebentang bulaklak.
Sa ngayon ang red roses ay naglalaro sa 50-60 pesos kada piraso habang ang bundle ay nasa 600 pesos.
Ang sunflower NASA 30 pesos ang kada piraso, stargazer na nasa 250 pesos, carnations at Gerber’s na nasa 40 pesos at tulips na nasa 180 pesos kada piraso.
Mayroon namang bouquet na naglalaro sa 200-2,500 pesos at ang nauuso ngayon na dried bouquet ay nagsisimula ang presyo sa 150 pesos.
Samantala, nakatakdang maglabas ng price list ang ilang flower shops sa lungsod sa unang linggo rin ng Pebrero. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments