Presyo Ng Bulaklak Sa Dangwa, Inaasahang Tataas Pa Ng 30 Porsyento

19

MANILA – Inaasahang tataas ng 30 porsyento ang presyo ng mga bulaklak ngayong weekend dahil sa papalapit na undas.Sa Dangwa sa Maynila, nasa 50-pesos na ang presyo Azucena, P150 hanggang P250 ang Malaysian Mums.P130 hanggang P150 ang Star Gaizer, P180 hanggang P200 ang Casablanca habang P180 hanggang P300 ang dosena ng Carnation at Gerberra.Sa Orchids, hanggang P450 ang Lavander na Orchids habang hanggang P600 ang white Orchids.Sa Rosas naman, hanggang P400 ang pulang Rosas habang hanggang 600 pesos ang putting Rosas.Samantala, tiniyak naman ng Department of Trade and Industry na hindi magtataas na presyo ang mga karaniwang kandila.Batay sa price list ng DTI, nasa P30 hanggang P150 ang presyo ng kandila kada pakete at depende sa laki.

Facebook Comments