Presyo ng bulaklak sa labas ng Pasay Public Cemetery, hindi nagbago mula kahapon

Hindi gumalaw ang presyo ng mga bulaklak sa labas ng Pasay Public Cemetery.

Tulad ng presyuhan kahapon, isang daang ang maliit na basket ng bulaklak sa labas ng nasabing sementeryo, habang dalawang daan ang pinakamahal.

Kapansin-pansin naman na mga bata ang karamihang vendors ng mga bulaklak sa labas ng Pasay Public Cemetery.


Sa ngayon, nagsimula na muling dumagsa ang mga bisita sa loob ng nasabing sementeryo.

Bunga nito, nagkakaroon na ng pagbagal sa daloy ng trapiko sa labas ng Pasay Public Cemetery sa Tramo Road , partikular ang direksyon patungo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Facebook Comments