Pumalo ng hanggang ₱800 ang pinakamahal na basket ng bulaklak sa labas ng Manila Memorial Park sa Parañaque.
Isang daang piso naman ang pinakamura habang ang iba pang presyo ay depende sa pasadya o sa design na gusto ng costumer.
Ayon sa mga tindera ng bulaklak, mas mataas ang presyo ng bulaklak ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon.
Bukas naman ay inaasahang unti-unti nang bababa ang presyo ng mga bulaklak sa Manila Memorial Park.
Samantala, lalo pang bumuhos ang mga bisita sa sementeryo.
Mananatiling bukas sa mga dalaw ang Manila Memorial Park hanggang sa Linggo, November 3.
Mula nitong Linggo, October 27 ay umaabot na sa mahigit 400,000 na mga bisita ang pumasok sa sementeryo.
Facebook Comments