Presyo ng Christmas ham at ilang de lata, nagbabadyang tumaas

Nagbabadya ring tumaas ngayong Kapaskuhan ang presyo ng ilang de lata at hamon.

Humihirit na rin kasi ngayon ng taas presyo ang ilang canned meat manufacturers sa bansa.

Nasa ₱0.30 hanggang ₱2.50 ang hiling ng grupong Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na taas presyo sa ilang de lata tulad ng corn beef, meatloaf at beefloaf.


Habang nasa ₱4 hanggang ₱6 ang posibleng itaas naman sa presyo ng hamon.

Ayon kay PAMPI Vice President Jerome Ong, batay sa kanilang kwenta ay mas malaki pa sana ang hirit nilang taas presyo ngunit sinikap nilang gawin na lamang isa hanggang apat na porsyentong pagtaas upang maging abot-kaya pa rin sa mga mamimili.

Sa ngayon ay hindi pa inaaprubahan ng Department of Trade and Industry ang nasabing hirit at inaasahang maglalabas din ang kagawaran ng price guide sa mga susunod na linggo hinggil dito.

Facebook Comments