Presyo ng commercial rice, inaasahang bababa sa Marso

Manila, Philippines – Asahan na ang pagbaba ng presyo ng commercial rice sa bansa sa susunod na mga buwan.

Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, makukumpleto na nila sa ika-lima ng Marso ang Implementing Rules and Regulation o IRR ng Rice Tariffication Law.

Batay sa nasabing batas, magiging maluwag na ang pag-aangkat ng bigas mula sa pandaigdigang merkado.


Sabi pa ni Lopez, kapag bumaba na ang presyo ng bigas maaari na ring alisin ang Suggested Retail Price o SRP nito.

Kasabay nito, pinawi rin ng kalihim ang pangambang mapabayaan ang mga magsasaka sakaling bumaha ang imported rice sa merkado.

Facebook Comments