Presyo ng COVID-19 antigen tests at self-administered test kits, mas pinababa pa

Pinababa pa ng Department of Health (DOH) ang price cap sa antigen testing services at self-administered antigen test kits.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, simula sa Linggo, Pebrero 20 ay nagkakalahaga na lamang ng ₱350 mula sa ₱500 ang presyo ng antigen rapid diagnostic test kit.

Habang ang antigen testing service ay nagmura rin sa ₱660 mula sa₱960.


Iginiit naman ni Vergeire na ang DOH-licensed health facilities at clinical laboratories ay maaaring mas magbaba pa ng base sa prescribed price cap.

Nauna nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang dalawang self-administered COVID antigen test kits partikular na ang Abbott at Labnovation Technologies, Inc.

Facebook Comments