Presyo ng COVID-19 supplies na binili ng PS-DBM, mas mababa sa SRP ng DTI at DOH

Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi overpriced ang mga COVID-19 supplies na binili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Kasunod ito ng nagpapatuloy na pagkwestiyon ng mga Senador sa biniling Personal Protective Equipment (PPEs), face shield at face mask ng gobyerno na hindi makatwiran ang presyo.

Ayon sa Pangulo, mas mababa sa suggested retail prices ng Department of Health (DOH) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga COVID-19 supplies.


Habang hindi rin aniya eksakto ngayon ang presyo ng mga ito kumapara noong nagsisimula pa ang pandemya dahil pinapatatag pa ito ng gobyerno.

Samantala, kinumpara din ni Pangulong Duterte ang presyo ng PPEs na binili ng administrayon ni dating Pangulong Noynoy Aquino at sinabing mas mahal ito kaysa sa kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments