Presyo ng COVID-19 vaccines, ilalabas kapag naselyuhan na ang kontrata – Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na isasapubliko ang halaga ng mga coronavirus vaccines kapag naselyuhan na ang kontrata at dumating na ang supplies nito sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang sundin ang pamahalaan ang confidentiality provision na nakalagay sa term sheet na nilagdaan nito sa vaccine manufacture.

Pagtitiyak ni Roque na ang halaga ng Sinovac vaccine na hindi lalagpas sa 700 pesos kada dose.


Mayroong ‘binding obligation’ ang gobyerno para sa vaccine supply mula sa Sinovac pero mayroon itong “suspensive condition’ o dadaan sa approval ng Food and Drug Administration (FDA).

Nabatid na aabot sa 25 million doses ng Sinovac vaccine ang matatanggap ng bansa at ang unang batch nito ay darating sa susunod na buwan.

Facebook Comments