Tumaas na ang presyo ng daing at tuyo sa ilang pamilihan.
Sa isang bagsakan nito sa Tondo, Maynila, tumaas ang presyo ng tuyong Salinas at lapad mula sa 200 pesos per kilo ay 280 na ngayon.
Giit ng mga maninida, malaki ang pasa sa kanila ng mga supplier kaya napilitan din silang magtaas ng presyo.
Itinuturong dahilan nila ang pagtaas ng presyo ng asin at ng produktong petrolyo para naman sa transportation cost.
Samantala, kanya-kanya na ring diskarte ang mga karinderya upang hindi mabawasan ang kita kung saan idinadaan na lang pagbawas ng takal o kaya ay sa pagtimpla gamit ang patis para hindi sila magtaas ng presyo.
Facebook Comments