Posibleng tumaas ng mahigit piso ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa oil industry, maaaring maglaro sa P1.00 hanggang P1.20 ang taas-presyo sa diesel at kerosene.
Habang hindi lalampas sa P0.50 ang inaasahang increase sa gasolina.
Maaari pa itong magbago depende sa resulta ng huling trading sa international market kahapon.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang panibagong oil price hike ay maaaring maiugnay sa plano ng Saudi Arabia na magbawas ng produksyon ng langis simula sa July 1.
Bukod dito, tumaas din ang presyo ng langis sa world market dahil sa pangambang kulangin ang suplay sa muling pag-arangkada ng ekonomiya ng China at India.
Facebook Comments