Muling magkakaroon ng panibagong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa kompanyang Unioil, tataas ng ₱1.00 hanggang ₱1.20 ang presyo ng kada litro ng diesel.
Habang matatapyasan naman ng ₱1.50 hanggang ₱1.60 ang kada litro ng gasolina.
Batay sa datos ng Department of Energy, naglalaro na ngayon sa mahigit ₱70 hanggang ₱80 ang gasolina sa Quezon City habang mahigit ₱72 hanggang ₱79 naman sa kada litro ng diesel sa Maynila.
Pumalo na rin sa ₱25.55 ang itinaas sa kada litro ng gasolina at ₱29.10 sa kada litro ng kerosene mula nang pumasok ang taon.
Facebook Comments