Inaasahang bababa ang presyo ng galunggong at iba pang isda sa Metro Manila.
Ito ay dahil binawi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwang close fishing season sa Palawan noong January 31.
Ayon sa BFAR, magmumura ang presyo ng galunggong dahil inaasahang dadami ang supply nito sa mga susunod na linggo.
Layunin ng tatlong buwang close fishing season ay maprotektahan at maparami ang populasyon ng isda.
Ang Palawan ay major supplier ng galunggong sa Metro Manila, kung saan tinatayang 95% ng galunggong na ibinagsak sa Navotas Port noong nakaraang taon ay mula sa Palawan.
Facebook Comments