Inaasahang bababa ang presyo ng galunggong sa mga pamilihan sa susunod na mga linggo.
Ito ay dahil sa posibleng pagdami sa suplay ng galunggong kasunod ng pagtatapos ng three-month closed fishing season sa Palawan.
Nabatid na ang Palawan ang nagsusuplay ng halos 95% ng galunggong sa Navotas Fish Port Complex na siyang pinakamalaking fish port sa Southeast Asia.
Facebook Comments