PRESYO NG GALUNGGONG SA DAGUPAN CITY, DOBLE ANG IBINABA

Halos doble pa ang ibinaba sa presyo ng galunggong ngayon sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Sa Magsaysay Fish Market, nasa P100 na ang per kilo ng nito mula sa P280 hanggang P290 na dating presyo. Ayon sa mga tindero ng isda, dumami raw ang suplay nito nito simula nitong buwan ng Marso.

Kaugnay nito, nararanasan na rin ang mababang presyo ng tinapa sa lungsod kung saan mayroon na muling P50 na mabibili sa kada balot.

Samantala, unti-unti na ring nararanasan ang lakas ng bentahan ng mga fish products sa Magsaysay Market sa pag-uumpisa ng pagdaraos ng Mahal na Araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments