Sumipa ang presyuhan ng galunggong sa pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Naglalaro sa P200 hanggang P220 ang kada kilo ng lalaking galunggong na dating nasa P180.
Tumaas din ng sampung piso ang per kilo ng babaeng galunggong na mula P140, ngayon ay P150 na.
Ayon sa mga tindera ng isda, sapat lamang ang suplay ng galunggong sa merkado ngayong holiday season.
Ang ibang isda, tulad ang bangus, naglalaro sa P150 hanggang P180 ang per kilo depende sa laki nito.
Ani ng ilang bangus vendors, hindi raw inaalis ang posibilidad na baka umakyat pa sa P200 at mahigit ang presyuhan nito sa mga susunod na araw lalo na kung konti ang magiging harvest.
Samantala, unti-unti nang dinadagsa ng mga mamimili mula sa Pangasinan at mga turista ang Magsaysay Fish Market bilang paghahanda ngayong Kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨