PRESYO NG GALUNGGONG SA DAGUPAN CITY, TUMAAS

Sumipa ang presyo ng ilang mga produktong isda tulad ng galunggong sa lungsod ng Dagupan.

Sa Magsaysay Fish Market, naglalaro sa P270 hanggang P280 ang kada kilo ng galunggong.

Tumaas ito ng aabot sa isang daang piso kung saan nasa P170 hanggang P180 ang dating presyuhan nito.

Ayon sa mga tindera ng isda na nakapanayam ng IFM News Dagupan, konti raw ang suplay nito ngayon dahilan na tapos na umano ang season ng pagharvest nito.

Inaasahang bababa ang presyo nito sa mga susunod pang buwan.

Ilang araw na ring nararanasan ang taas-presyo sa ilan pang mga isda sa pamilihan.

Samantala, sa pagdating ng planong pag-angkat na 25,000MT na isda, inaasahang makatutulong ito upang mapunan ang kakulangan ng suplay ng mga nasabing produkto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments