Presyo ng galunggong sa merkado, mananatili pa ring mataas dahil sa kakulangan ng supply — DA

Mananatili pa ring mataas ang presyo ng itinitindang galunggong sa merkado, ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Ayon kay Laurel Jr., may kakulangan ng supply ng nasabing isda sa bansa dahil wala nang sapat na pinagkukunan.

Dagdag ng kalihim, pumalo na sa ₱300 kada kilo ang presyo ng galunggong sa merkado.

Sa kabila ng kakulangan sa supply ng galunggong, sinabi ni Laurel na maraming pumapasok na supply ng mackerel at tulingan, at inaasahang bababa ang presyo nito sa merkado na posibleng umabot sa ₱230–₱250 kada kilo.

Suhestiyon ng kalihim na imbes na bumili ng galunggong, pansamantalang mag-manok muna ang mga mamimili.

Samantala, iuurong ng DA ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price (MSRP) para sa imported na karneng baboy — mula sa dating itinakdang Lunes, December 1, itutulak na itong ipatupad sa December 5. Pinag-iisipan din ng ahensya ang pagpataw ng MSRP sa mga karots.

Facebook Comments