Asahan na umano ang pagbaba ng presyo ng produktong galunggong sa mga palengke sa mga susunod na linggo, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Tuluyan na kasing natapos ang tatlong buwang closed fishing season sa Palawan kaya naman maaari na muling mangapangisda sa fishing ground nito.
Dito sa Pangasinan, napansin ang kaunting suplay ng isdang galunggong kung saan isa sa dahilan rin ay ang nararanasang malamig na panahon.
Sa ngayon, nasa 200 pesos ngayon ang kada kilo ng farmgate price ng galunggong sa inilabas na data ng Department of Agriculture Ilocos Region.
Samantala, matumal rin umano sa ngayon ang bentahan ng tinapa ilang pamilihan sa Dagupan City bunsod ng nararanasang mababang suplay ng galunggong. | ifmnews
Facebook Comments