PRESYO NG GALUNGGONG SA PANGASINAN, PATULOY SA PAGTAAS

“Ang Galunggong dating ulam ng mahirap, ngayon ulam na lang yan ng mga mamamayan.”

‘Yan ang winika ni Zenaida Campos, tindera ng isda sa Mangatarem Public Market, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng isdang galunggong sa merkado.

Ang kada kilo kasi nito sa palengke, pumalo na sa 280 pesos, mas mataas kung ihahambing sa presyuhan ng kada kilo ng manok.

Dagdag pa ni Nanay Zenaida, posibleng dahil daw ito sa pang-aangkin ng China sa mga isda sa West Philippine Sea.

Samantala, ayon naman sa grupong SINAG, mababa at apektado talaga ang suplay ng isdang galunggong ngayong nararanasan ang malamig na panahon.

Dahil dito’y inaasahang tataas pa raw ang presyo nito sa mga susunod na linggo.

Samantala, ang ilang isda tulad ng bangus at tilapia naman ay nanatiling matatag ang suplay presyo.

Facebook Comments