Presyo ng galunggong, tumaas sa ilang palengke sa Metro Manila

Tumataas na rin ang presyo ng galunggong sa ilang pamilihan sa Metro Manila sa harap ng nararanasang pagtaas ng presyo sa karneng baboy at manok.

Base sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), umaabot na sa P260 ang presyo ng kada kilo ng imported na galunggong habang nasa P280 naman ang kada kilo ang lokal na galunggong mula sa karaniwang P180 hanggang P200 presyo nito sa mga palengke.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Eduardo Gongona, kakaunti pa lang ang nahuhuli sa ngayon sa kabila ng pagbubukas ng fishing season sa Palawan na karaniwang pinanggagalingan ng supply ng galunggong sa Metro Manila.


Kasabay nito, tiniyak ng BFAR na iimbestigahan nila kung may nagmamanipula ng presyo ng galunggong dahil masyadong mahal ang P240 hanggang P280 na presyo nito.

Facebook Comments