Presyo ng gasolina, bahagyang tataas – habang presyo ng diesel at kerosene, matatapyasan

Manila, Philippines – Bahagyang magtataaas ang presyo ng gasolina habang bababa naman ang presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Department of Energy, maglalaro sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina.

Matatapyasan naman ng P0.10 hanggang P0.20 ang presyo ng kada litro ng kerosene at diesel.


Posible pang mabago ang oil price adjustment depende sa magiging lagay ng kalakalan bukas bago ito ipatupad sa Martes.

Facebook Comments