Presyo ng gasolina, tataas

Manila, Philippines – Bahagyang magtataaas ang presyo ng gasolina habang bababa naman ang presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Department of Energy, maglalaro sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina.

Matatapyasan naman ng P0.05 kada litro ang diesel habang nasa P0.20 ang bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene at diesel.


Posible pang mabago ang oil price adjustment depende sa magiging lagay ng kalakalan bago ito ipatupad sa Martes .

Facebook Comments