Presyo ng gasolina, tataas ng halos piso bukas; diesel, may karampot na rollback

Kasado na ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, December 27.

Siyamnapu’t limang sentimos ang itataas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang singkwenta sentimos naman sa kerosene.

May tapyas na bente sentimos naman sa diesel.


Epektibo ang oil price adjustment ng Pilipinas Shell at Seaoil bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Hanggang mamayang hapon, inaasahang mag-aanunsyo ng kanilang price adjustment ang iba pang kompanya ng langis.

Samantala, sa datos ng Department of Energy, umabot sa ₱13.95 ang naging kabuuang pagtaas sa presyo ng kada litro ng gasolina as of December 20, 2022; ₱27.50 sa diesel at ₱20.80 sa kerosene.

Facebook Comments