Nakaamba na ring tumaas ang presyo ng gatas at mga de lata ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DTI Asec. Amanda Nograles, bagama’t may nakabinbin ng price adjustment notices sa mga naturang produkto ay hindi pa ito ipinatutupad sa ngayon.
Sa kasalukuyan kasi aniya ay nakikipag-usap pa ang DTI sa mga manufacturers kung makatarungan ba ang pagtataas ng presyo.
Dagdag pa ni Nograles, nasa proseso pa lamang sila ng computation kung magkano ang dapat itaas sa presyo ng de lata at gatas kung pagbibigyan ang hirit na dagdag presyo.
Ikinokonsidera rin ng DTI ang presyo ng packaging materials, tin can, at presyo ng tamban sa merkado.
Facebook Comments