Asahang tataas pa rin ang presyo ng gulay at bigas kahit na may bigtime rollback sa presyo ng petrolyo ngayong linggo.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So, ngayon pa lang kasi ipapatupad ng mga magsasaka sa kanilang production cost ang ₱60 hangang ₱70 na presyo kada litro ng petrolyo.
Bukod dito ay nagtaas na din ang presyo ng inaangkat na abono sa bansa maging ang ang presyo ng manok at ilang klase ng gulay.
Samantala, sinabi naman ng grupo na napakaliit ng ₱500 milyong pondo para sa fuel subsidy ng mahigit 10 milyong magsasaka sa buong bansa.
Facebook Comments