Presyo ng gulay at isda, apektado na rin dahil sa El Niño

Sa Davao, tumaas umano ang presyo ng gulay at iilang klase sa mga isda na ibinibenta sa palengke dito sa Davao City

Ayon sa Department of Agriculture o DFA na apektado ngayon ang produksyon ng gulay at isda dahil sa matinding init ng panahon dala ng El Niño.

Kung kaya’t napansin ang pagtaas ng presyo ng gulay sa Agdao Public Market dito sa lungsod gaya ng pechay na dati ay nasa 80 pesos, ngayon ay 90 pesos per kilo na, ang kalabasa na nasa 35 pesos dati, ngayon ay nasa 40 pesos na samtantala nasa 10-20 pesos naman ang itinaas ng radish at okra at iba pang gulay na nalalanta dahil sa init.


Samantala, may pagtaas din sa presyo ng iilang klase ng isda gaya ng bangus na nasa 190 pesos per kilo na mula sa 170 pesos at isda sa bato na dati ay nasa 300 pesos lang, ngayon ay 350 pesos per kilo na.

Ayon sa iilang mga tindera sa palengke, kailangan na din nila taasan ang presyo para sa kanilang pang-araw araw na kita.

Mga dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga mahihirap ibinida ng NEDA.

Facebook Comments