Presyo ng gulay, inaasahan ang pagbaba sa susunod na mga araw — DA

Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na asahan sa mga susunod na araw ang pagbaba ng presyo ng gulay partikular dito sa Metro Manila.

Ginawa ni Assistant Secretary Arnel de Mesa, tagapagsalita ng DA, na batay sa kanilang monitoring, tumataas na ang suplay ng mga gulay na kamakailan ay nagtaasan ang presyo.

Partikular dito ang kamatis, pechay, amplaya, sitaw at iba pa.


Sinabi ni De Mesa na bagama’t hindi pa mababa sa ngayon ang presyuhan, may na-monitor na silang pababa na ang presyo ng mga nabanggit na gulay at inaasahang mas magmumura pa ang mga ito sa mga susunod ma araw.

Kung magugunita, nagmahal ang ilang gulay dahil na rin sa nagdaang mga kalamidad sa ilang lalawigan.

Facebook Comments