Presyo ng gulay, nagmahal na dahil sa epekto ng Bagyong ‘Maring’

Nagbabadyang magmahal ang presyo ng pagkain kasunod ng naging epekto ng Bagyong ‘Maring’ sa agrikultura partikular sa mga probinsya sa Northern Luzon.

Nabatid na sumampa na sa P692 million ang danyos na iniwan ng bagyo sa sektor ng agrikultura.

Bukod sa mga palay, mais at iba pang high-value crops, naapektuhan din ng bagyo ang livestock at poultry industry.


Sa Balintawak na bagsakan ng gulay mula sa Benguet, tumaas ng hanggang P100 ang presyo ng broccoli, pechay baguio, bell pepper, baguio beans, celery, sayote, repolyo at patatas.

Ang Benguet ay ang nagsusuplay ng 80% ng gulay sa Metro Manila.

Facebook Comments