Dumoble ang presyo nga itinitindang gulay sa ilang pamilihan sa Dagupan City bunsod ng bagyong dumaan at pagbaha kung saan kasagsagan din ng matumal na benta para sa mga vegetable vendors.
Sa katunayan doble o higit pa ang itinataas ng mga presyo ng gulay per kilo kung saan abot isang daang piso tulad na lamang ng highland vegetables.
Ang carrots na dati nasa eighty pesos per kilo, ngayon ay nasa one hundred eighty pesos na, bell pepper na dati nasa two hundred pesos per kilo, ngayon ay nasa three hundred fifty pesos na, cabbage na dati nasa fifty pesos per kilo, ngayon nasa seventy to eighty pesos na.
Tumaas din ang patatas na nasa one hundred twenty to one hundred fifty pesos na ngayon kumpara noon na nasa sixty ti eighty pesos per kilo lamang, at ang sayote naman na dati ay nasa thirty pesos per kilo, ngayon ay nasa fifty pesos na.
Pinakamataas na paggalaw ng presyo ng gulat ay ang broccoli na dati ay nasa eighty pesos hanggang one hundred twenty pesos, ngayon ay pumatak na sa two hundred twenty pesos ang kada kilo.
Ang lowland vegetables naman gaya ng talong ay tumaas rin mula forty pesos per kilo ay nasa one hundred twenty pesos na, sitaw at okra na nasa eighty pesos per kilo na, one hundred pesos per kilo para sa ampalaya, at fifty pesos naman sa upo.
Ayon sa mga vegetable vendors, hindi raw talaga maiwasan na may mga nasirang mga pananim na gulay noong kasagsagan ng kalamidad kaya naman todo bawi ngayon sa presyo ng mga naisalba at mga naharvest na mga gulay.
Dumedepende pa rin ang mga ito sa panahon at iniestema kung mataas o mababa ang suplay at demand ng gulay sa pamilihan at kinokonsidera din ang ilang mga factors tulad ng production cost at nagsisi-taasang presyo ng langia kung kaya’t sa ngayon ay sadyang napilitan na rin na nagtataasan ang presyo ng mga gulay.
#
#
Facebook Comments