Tumaas ang presyo ng gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila kasunod ng pananalasa ng Bagyong Karding.
Sa Pasay Market, nadagdagan ng P20 hanggang P40 ang kada kilo ng ilang gulay.
Ayon sa mga nagtitinda, hindi maiwasang magtaas ng presyo dahil mas kakaunti ang gulay na nai-deliver.
Sa Litex Market naman sa Quezon City, nadagdagan ng P100 ang presyo ng kada kilo ng carrot.
Tumaas din ng P20 hanggang P30 ang presyo ng ilang gulay galing Baguio dahil sa kaunting supply sa Balintawak at Divisoria.
Tinatayang aabot sa P160 milyon ang inisyal na halaga na pinsala ng Bagyong Karding sa sektor ng agrikultura.
Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga nasira ay mga tanim na gulay, palay at iba pa sa mga lugar sa Luzon na direktang tinamaan ng bagyo.