Patuloy na nararanasan sa merkado ang mataas na presyo ng ilang produktong gulay bunsod ng mga nagdaang sama ng panahon.
Sa Urdaneta City Bagsakan Market, medyo bumaba na ang presyo dahil nakarecover na raw umano kahit papaano yung mga nag aangkat sa kanila.
Ayon naman kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, ganito raw talaga ang siste tuwing nakakaranas ng sakuna.
Dahil kaunti ang harvest ng ilang gulay, inilahad ni So ang lugi na nararanasan ng mga magsasaka.
Samantala, asahan na bababa pa ang presyo ng gulay sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









