PRESYO NG GULAY SA URDANETA BAGSAKAN MARKET, DOBLE ANG ITINAAS; PAGSIPA SA DEMAND NGAYONG PASKO, INAASAHAN

Umaaray ngayon ang ilang manlalako sa Bagsakan Market ng Urdaneta City dahil sa mababang suplay ng gulay mula sa Nueva Vizcaya matapos ang epektong iniwan ng Bagyong Uwan.

Ayon sa mga tindera, kumpara noong nakaraang taon ay iilan pa lamang ang kanilang nabebenta dahil sa mababang suplay, kaakibat pa nito ang matumal na bentahan dahil sa pagtaas pa ng presyo.

Kabilang na dito ang talong na dumoble sa P200 kada kilo ang presyo.

Sa pagsapit ng holiday season, inaasahan naman umano ang pagtaas pa ng presyo ng ilang highland vegetables na manggagaling sa Benguet dahil sa high consumer demand.

Smantala, matatandaan sa panayam ng IFM News Dagupan sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), kung magpapatuloy ang magandang panahon, inaasahang babalik sa normal ang suplay at presyo ng mga gulay.

Facebook Comments