Presyo ng ham sa ilang pamilihan sa Metro Manila, tumaas!

Labing-limang araw bago ang Pasko, bahagyang tumaas ang presyo ng ham sa ilang pamilihin sa Metro Manila.

Sa ilang tindahan sa lungsod ng Maynila, pumalo ng P20 ang presyo ng kada kilo ng cooked ham kumpara noong nakaraang taon dahil sa pagtaas din ng presyo ng ilang sangkap gaya ng asukal.

Habang, ang glazed processed ham ay nasa P245 kada piraso.


Tumaas din ng P60 ang presyo ng kada kilo ng cooked chinese ham na nasa P1,680 hanggang P1,800.

Naglalaro naman sa P950 ang presyo ng whole ham sa ilang tindahan sa Quezon City.

Samantala, sa pagtataya ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. (PAGASA) ay tinatayang nasa pito hanggang sampu porsiyento ang itinaas ng presyo ng mga ham.

Facebook Comments