Presyo ng harina at ilang sangkap sa paggawa ng tinapay, tumaas pa!

Tumaas pa ang presyo sa merkado ng harina at ilang sangkap sa pagggawa ng tinapay.

Dahil dito, umalma ang ilang grupo kabilang ang Philippine Federation of Bakers na sinabing hindi na kayang pasanin ng bakeries ang pagtaas ng presyo ng ilang sangkap sa tinapay.

Ang harina ay tumaas na sa P130 kada bag mula noong nakaraang taon.


Bukod sa harina, sumipa na rin ang presyo ng ibang sangkap ng tinapay tulad ng asukal at gatas.

Habang dagdag gastusin din sa bakeries ang tumataas na presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Matatandaang simula November 1, mula sa P1.60 centavos kada kilo ay tumaas pa ang presyo ng LPG sa P2.70 centavos hanggang P3 kada kilo.

Ibig sabihin, nasa P3 ang taas-presyo kada kilo na magiging katumbas ng P33 sa kada litro o kada 11 kilogram ng tangke.

Facebook Comments