Presyo ng higit 100 gamot, inirekomendang tapyasan

Irerekomenda ng Department of Health (DOH) ang tapyas presyo sa 120 gamot para sa high blood, diabetes, sakit sa puso, baga at ilang cancer.

Ito ay kapag napirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order para sa maximum drug retail price.

Inaasahang bababa sa 54% ang halaga ng mga gamot.


Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – napili ang mga gamot batay sa bigat ng karamdaman.

Isinaalang-alang din ang kompetisyon at presyo ng mga gamot sa Pilipinas kapag kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia at developing countries.

Ipapasa kay Health Secretary Francisco Duque ang listahan ng mga gamot na bibigyan ng diskwento saka ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte bago ilabas ang EO.

Facebook Comments