Presyo ng ilang baboy at chicken products, pinatawan ng price cap

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapataw ng price ceiling para sa ilang produkto ng baboy at manok sa National Capital Region (NCR) para mapigilan ang pagsirit ng presyo nito sa merkado.

Batay sa Executive Order 124, itinakda ang presyo sa kada kilo ng pigue/kasim sa P270 habang ang liempo ay hanggang P300 kada kilo.

Ang manok naman ay hanggang P160 lang kada kilo.


Ang nasabing kautusan ay epektibo sa loob ng 60 araw.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng karneng baboy ay dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Facebook Comments