PRESYO NG ILANG GULAY, INAASAHAANG TATAAS NGAYONG MAHAL NA ARAW

Inaasahan ang pagtaas sa presyo ng ilang mga produktong gulay ngayong pagdaos ng Mahal na Araw, ayon sa mga tindera ng gulay.

Sa mga nakapanayam ng IFM News Dagupan, tuwing sumasapit ang Semana Santa ay tinataasan na rin ng mga supplier ang presyo ng mga produkto.

Kaya wala rin umano silang magagawa kundi patungan ng bahagya ang presyo.

Sa ngayon, nakitaan ng pagtaas sa ilang mga highland vegetables mula P20 hanggang P30 tulad sa broccoli, cauliflower at iba pa.

Samantala, ngayong Mahal na Araw, inaasahang mas tatangkilikin ang mga fish products at gulay bilang bahagi ng nakasanayang pag-iwas sa pagkain ng karne, lalo na sa mga mananampalataya ng Simbahang Katolika. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments