PRESYO NG ILANG GULAY SA BAGSAKAN MARKET SA URDANETA, TUMAAS!

Tumaas ang presyo ng ilang gulay sa lalawigan ng Pangasinan dahil na din sa pabago bagong panahon at maya’t mayang pagulan na dahilan para mamatay ang ilang tanim na gulay.
Sa bagsakan market sa Urdaneta ay tumaas ng sampung ang ilang gulay tulad ng talong na dati bente pesos lang ngayon ay trenta hanggang kwarenta pesos na ang kada kilo nito.
Ang sitao naman ay tumaas ng limang piso na ngayon ay 35 na.

Ampalaya na kwarenta pesos at upo na 30 pesos na parehong tumaas ng limang piso.
Samantala, nananatiling matatag ang presyo ng kalabasa na trenta ang kada kilo, okra na kinse sibuya at bawang na 60-70 na tuloy pa rin ang pagdating ng imported.
Mataas pa din ang presyo ng karne sa pamilihan. Kung kaya’t mas mabuti ng magtanim. | ifmnews
Facebook Comments