May pagbaba rin umano sa ilang gulay na itinitinda ng ilang tindera ng gulay sa bahagi ng Downtown, Dagupan City.
Ani ng ilang tindera ng gulay, nasa mababang presyo ang karamihan sa kanilang itinitinda na siya nang tinatangkilik ng mga mamimili.
Isa sa patuloy na binibili ay ang tuluyang pagbagsak sa presyo ng kamatis na nasa 10-20 pesos ang kada kilo.
Nasa 20-60 pesos naman ang kalabasa depende sa klase at laki, pechay na nasa 50 pesos ang isang tali at sayote na nasa 20 pesos.
Nakitaan naman ng bahagyang pagtaas sa kuha sa produktong talong ayon sa ilang tindera kaya ang bentahan ay nasa 60-70 pesos per kilo depende sa klase.
Samantala, maayos naman umano kahit papaano ang kalakalan ng mga tindera at konsyumer pagdating sa mga produktong gulay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨






